ng hindi nasususklian o ang nagmamahal kahit nasasaktan. ang magparaya ngunit
hindi nagpatawad ay kasinungalingan. magpatawadat magparaya. upang kapanatagan ng
loob ay makamtan
***
sa bawat relasyon, karaniwang dahilan ng pag-hihiwalay ay may pagkukulang ang isa.
pero kung iisipin natin. may kulang ba tlaga o tayo lang ang nag-iisip na may
kulang sa binibigay niyang pagmamahal? dahil kung kuntento ka sa pagmamahal niya.
hindi mo iisipin na may kulang
***
isa sa pinakamasakit na pakiramdam sa mundo ay yung nararamdaman mong hindi ka na
niya mahal pero hindi niya masabi sayo dahil wala kang gingawang masama.
***
sbi nila kapag pinili niya na maging magkaibigan na lang kayo.
pinili lang niya kung saan kayo mas tatagal. tama! magtatagal kayo pero alam mong
hindi yun ang gusto ng puso mo. kahit gaanu pa kayo katalik na magkaibigan. iba
ang kaibigan habang buhay kaysa sa minamahal ng buong buhay.
***
matapos mong iwan. ng walang pasabi. ngayon nagbabalik ka at binibgay ang
pagmamahal na dati'y hndi mo mabigay. pero ngiti na lamang ang maiiganti ko. ngiti
ng pag-unawa sapagkat naiintindihan ko ang nararamdaman mo. kaya ang tanging
hiling mo na lamang ay isang yakap at tuluyan kang lumayo. dahil sino ka nga ba
naman....... para pigilin pa akong lumigaya?? yan ang tinatawag na KARMA!!
***
ganun pla tlga.. khit anong gawin mong pagkumbinsi sa sarili mo na kontento ka nsa
sitwasyon mo.na masaya ka na. dadating at dadating pa din yung oras na malulungkot
ka at mararamdaman mong may kulang pala talaga sa buhay mo.
***
hindi na nga natin makuha ang pagmamahal na nais natin. nagpatawad ka na nga at
nagparaya. simpleng pasasalamat na lang hindi pa din nila mabigay. love isn't
fair. it never was!
***
mas ok na yung dahan dahan. na unti unti din nawawala ang sakit. kaysa sa bglaan.
na hindi mo npaghandaan kung paanu iindahin ang sakit.
***
pagsisisihan mo na lang ba ang mga nangyari sayong buhay? o gagawin mo itong daan
upang maging tama ang mga susunod mong desisyon?
***
kung nasaktan ka at hindi makaahon sa pagkalugmok at sobrang kalungkutan. hindi mo
naman kailangan pilitin ang sarili mo o sundin ang sinasabe ng ibang tao na dapat
mong gawin upang matanggap mo ang katotohanan. bigyan mo ng oras ang sarili mo na
makapag-isip. at dadating ang oras na mararamdaman mo na lang na handa ka na pala
na tanggapin ang lahat at ng mas maluwag sa dibdib.
***
hindi mo man ako napanindigan hanngang sa huli. nagpapasalamat pa din ako dahil
alam kong buong puso mo pdin ngampanan ang tungkulin mo kahit hindi umabot
hanggang sa huli. siguro hanggang doon lang talaga
***
sabi nila pahalagahan natin ang mga bagay na nakapaligid sayo at kung anung mayron
tayo dahil hindi natin alam kung hanggan kailan ito tatagal sa atin, pero bkit
ganon? pinahalagahan ko naman ang kung anung mayron ako. sobra sobra pa. pero sa
bandang huli ako pa rin ang nawalan at nasaktan
***
nakakalungkot isipin na sa tagal ng pinagsamahan nio.. ikaw lang pala ang umaasa
na magtatagal kayo hanggang sa huli.. na hindi pala siya handang panindigan ka
hanggang sa huli.
***
ayoko humingi ng payo sa kahit kanino. dahil alam kong hindi ko rin sila
pakikinggan. ayokong marinig ang masakit na katotohanan galing sa kanila. mas
gugustuhin kong mag-isa at manahimik at unti unting umaahon sa pagkasawi. dahil
alam kong darating din yung oras na makakaya kong harapin ang katotohanan ng mas
maluwag sa aking dibdib.
***
sana sabihin mo sa akin kung hanggang saan lang ako dapat lumugar sayo. kung
hanggang kailan lang dapat ako umasa. dahil habang tumatagal. hindi ko na alam
kung ano ang limitasyon ng nararamdaman ko para sayo. ayokong lumalim pa ito.
dahil kapag lumalim pa ito. magkakaroon lang ng dahilan para ako'y umasa at para
masaktang muli.